Posts

Preaching Podcast Ep. #141 - Ang Kalakasan ng mga Bayani sa Pananampalataya (Pastor Jojo Baldo)

Image
“Pasasaan ba ang kalayaan, kung ang mga alipin ngayon ay sila din namang mang-aalipin bukas?” Sa pagdiriwang natin sa Araw ng mga Bayani, inaalala natin ang mga salita ni Dr. Jose Rizal patungkol sa panahong kanyang nasaksihan. Isang pagpapahayag ng isang katotohanan na ang tunay na pagbabago ay dapat sa puso’t diwa ng isang Pilipino; kung hindi ito mangyayari ay uulit at uulit lamang ang malupit na takbo ng kasaysayan.  Ang Salita ng Diyos ay nagpapahayag na maliban na lamang na tayo ay isilang muli, hindi natin makikita ang kaharian ng Diyos. Itinatakda ang kahalagahan ng isang tunay na pagbabago na tanging Diyos lamang ang makapangyayari. Sa habag at kaawaan ng Panginoon, ibinigay Niya ang Kanyang Banal na Espiritu sa lahat ng nananampalataya sa Panginoong Hesus. Sa Kanya lamang natin matatamo ang katiyakan ng ating kaligtasan, at kalakasan upang mga alagad ng Diyos.  Samahan natin si Pastor Jojo Baldo sa kanyang paglalahad ng Salita ng Diyos patungkol sa Kalakasan ng mga B...

Preaching Podcast Ep. #140 - Pagmamahal Sa Bayang Biyaya Ng Diyos (Pastor Jojo Baldo)

Image
Kamakailan lamang kumalat ang isang internet meme ng isang sikat na Pinoy celebrity na nagsabing “PILIPINAS, BAKIT ANG HIRAP MONG MAHALIN?” Ito ay umani ng iba’t ibang reaksyon sa mga netizens. Ang iba ay sumang-ayon, at gumatong; ang iba naman ay nasaktan sa ganung mga panlalait sa ating bayan.  Marahil ito na ang pambansang libangan nating mga Pinoy: ang mag-debate kung ang Pilipinas nga ba ay kamahal-mahal, o kamuhi-muhi. Marami nang mga pagaaral ang nagawa, at ginagawa patungkol sa isyu ng patriyotismo ng Filipino, o ang kawalan nito.  Subalit ang hindi maipag-kakaila ay ang katotohanan na ang Filipino ay may alab ng puso sa mga isyung patungkol sa ating bayan. Kung atin lamang sisikapin na tingnan ang mga bagay na ito sa pamamagitan ng Salita ng Diyos, baka mas magiging mapayapa, at bukas ang ating pagyakap sa katotohanang ang ating bayan ay biyaya ng Diyos sa ating mga Filipino.  Samahan natin si Pastor Jojo Baldo sa pagaaral ng Salita ng Panginoon patungkol sa atin...

Preaching Podcast Ep. #139 - God of His Word (Bro. Vinay Panemanglor)

Image
Join us for Sunday service, Lighthouse Family! #LighthouseOnline

Preaching Podcast Ep. #138 - Ang Pinalaya ni Kristo (Pastor Jojo Baldo)

Image
PANAWAGAN SA MGA KALALAKIHAN: Si Lazarus ay isang lalakeng dati ay kontento nang nagmamasid lamang, nakikinig kay Kristo mula sa malayo. Palaging may distansya. Sapat na sa kanya na ang mga babaeng kapatid na sina Martha and Mary ang maalab sa pagsisilbi kay Hesus. Si Lazarus ay isang tipikal na lalakeng may pag-aalinlangan sa pagpapakita sa kanyang pagmamahal sa Diyos.  Hanggang siya ay nakaranas nang muling pagkabuhay. Hanggang sa matanggap niya ang grasya ng Panginoon na Siyang bukod-tanging nakapagbigay sa kanya ng pangalawang pagkakataon.  Nagbago hindi lamang ang kanyang pananaw sa buhay at kamatayan, ganun din ang kanyang pagyakap sa regalo ng Diyos sa kalayaang makalapit sa Panginoon. Ang kanyang buhay ay naging maging makapangyarihang patotoo sa kadakilaan ng pag-ibig ng Diyos. Mula noon, wala nang makapigil kay Lazarus na dumikit kay Kristo, at ipamalas sa marami ang kanyang binagong buhay. Ang panawagan sa mga Lazarus ng henerasyon na ito ay patuloy na umaalingawnga...

Preaching Podcast Ep. #137 - Becoming an Empowered Witness (Pastora Rio Artadi Handley)

Image
Lost people matter to God and they ought to matter to us too. That's the reason why Jesus sent His Holy Spirit because we cannot do it alone. He wants His people empowered to finish the great Commission to make disciples of ALL Nations. God is calling you and me to not just be a witness but an empowered witness for Christ! #LighthouseOnline

Preaching Podcast Ep. #136 - Five Signs of a Healthy Family (Pastor Jonathan Aranton)

Image
Isang magandang araw Lighthouse family! Sa araw na ito, tatalakayin ni Pastor Jonathan Aranton ang "Five sign of a Healthy Family" dahil mahalaga na panatilihing healthy ang ating pamilya sa ispiritwal na aspeto. Sa nakararami, sa ating pamilya ang una nating pagkamulat sa kagandahang asal at aspeto ng pagiging simbahan. Mahalaga din na tayo ay mag-iwan ng pamana para sa susunod na mga henerasyon na kung ano ang ninanais na maibuo ng Panginoon sa ating sarili at sa pamilya. Pagapalain ang lahat ng nakikinig sa Salita ng Diyos sa araw na ito, God bless. #LighthouseOnline

Preaching Podcast Ep. #135 - Mga Gabay Sa Paghihintay (Pastors Ren & Zsa Portal)

Image
Magandang araw sa lahat, ngayon ay Levites Sunday. Today let us listen to our very own Levites pastors, Pastor Ren and Pastora Zsa Portal as they preach God's word and lay out guides for waiting on God's promises. We will also hear the testimonies of the members of our church's Levites ministry on how God has been good to their lives and how He has fulfilled His promises to them. May everyone who listens be blessed today. #LighthouseOnline