Preaching Podcast Ep. #140 - Pagmamahal Sa Bayang Biyaya Ng Diyos (Pastor Jojo Baldo)

Pagmamahal Sa Bayang Biyaya Ng Diyos

Kamakailan lamang kumalat ang isang internet meme ng isang sikat na Pinoy celebrity na nagsabing “PILIPINAS, BAKIT ANG HIRAP MONG MAHALIN?”

Ito ay umani ng iba’t ibang reaksyon sa mga netizens. Ang iba ay sumang-ayon, at gumatong; ang iba naman ay nasaktan sa ganung mga panlalait sa ating bayan. 

Marahil ito na ang pambansang libangan nating mga Pinoy: ang mag-debate kung ang Pilipinas nga ba ay kamahal-mahal, o kamuhi-muhi. Marami nang mga pagaaral ang nagawa, at ginagawa patungkol sa isyu ng patriyotismo ng Filipino, o ang kawalan nito. 

Subalit ang hindi maipag-kakaila ay ang katotohanan na ang Filipino ay may alab ng puso sa mga isyung patungkol sa ating bayan. Kung atin lamang sisikapin na tingnan ang mga bagay na ito sa pamamagitan ng Salita ng Diyos, baka mas magiging mapayapa, at bukas ang ating pagyakap sa katotohanang ang ating bayan ay biyaya ng Diyos sa ating mga Filipino. 

Samahan natin si Pastor Jojo Baldo sa pagaaral ng Salita ng Panginoon patungkol sa ating pinagpalang panawagan na mahalin, itaguyod, at ipaglaban ang ating bayang Pilipinas.

#LighthouseOnline

Popular posts from this blog

Preaching Podcast Ep. #32 - Dare To Stand Out: Expect God's Deliverance (Pastor Sam Sade)

Preaching Podcast Ep. #33 - Solid: Sovereign Plan (Pastor Jojo Baldo)

Preaching Podcast Ep. #62 - God of Purity (Pastor Saniel Pura)