Preaching Podcast Ep. #138 - Ang Pinalaya ni Kristo (Pastor Jojo Baldo)

Ang Pinalaya ni Kristo

PANAWAGAN SA MGA KALALAKIHAN:

Si Lazarus ay isang lalakeng dati ay kontento nang nagmamasid lamang, nakikinig kay Kristo mula sa malayo. Palaging may distansya. Sapat na sa kanya na ang mga babaeng kapatid na sina Martha and Mary ang maalab sa pagsisilbi kay Hesus. Si Lazarus ay isang tipikal na lalakeng may pag-aalinlangan sa pagpapakita sa kanyang pagmamahal sa Diyos. 

Hanggang siya ay nakaranas nang muling pagkabuhay. Hanggang sa matanggap niya ang grasya ng Panginoon na Siyang bukod-tanging nakapagbigay sa kanya ng pangalawang pagkakataon. 

Nagbago hindi lamang ang kanyang pananaw sa buhay at kamatayan, ganun din ang kanyang pagyakap sa regalo ng Diyos sa kalayaang makalapit sa Panginoon. Ang kanyang buhay ay naging maging makapangyarihang patotoo sa kadakilaan ng pag-ibig ng Diyos. Mula noon, wala nang makapigil kay Lazarus na dumikit kay Kristo, at ipamalas sa marami ang kanyang binagong buhay.

Ang panawagan sa mga Lazarus ng henerasyon na ito ay patuloy na umaalingawngaw. Ang Panginoon ang tumatawag sa bawat Lazarus na “lumabas, at lumaya!”

Samahan natin si Pastor Jojo Baldo sa kanyang paglalahad ng Salita ng Diyos, na Siya nating buhay, at muling pagkabuhay.

#LighthouseOnline

Popular posts from this blog

Preaching Podcast Ep. #32 - Dare To Stand Out: Expect God's Deliverance (Pastor Sam Sade)

Preaching Podcast Ep. #33 - Solid: Sovereign Plan (Pastor Jojo Baldo)

Preaching Podcast Ep. #62 - God of Purity (Pastor Saniel Pura)