Posts

Showing posts from August, 2022

Preaching Podcast Ep. #141 - Ang Kalakasan ng mga Bayani sa Pananampalataya (Pastor Jojo Baldo)

Image
“Pasasaan ba ang kalayaan, kung ang mga alipin ngayon ay sila din namang mang-aalipin bukas?” Sa pagdiriwang natin sa Araw ng mga Bayani, inaalala natin ang mga salita ni Dr. Jose Rizal patungkol sa panahong kanyang nasaksihan. Isang pagpapahayag ng isang katotohanan na ang tunay na pagbabago ay dapat sa puso’t diwa ng isang Pilipino; kung hindi ito mangyayari ay uulit at uulit lamang ang malupit na takbo ng kasaysayan.  Ang Salita ng Diyos ay nagpapahayag na maliban na lamang na tayo ay isilang muli, hindi natin makikita ang kaharian ng Diyos. Itinatakda ang kahalagahan ng isang tunay na pagbabago na tanging Diyos lamang ang makapangyayari. Sa habag at kaawaan ng Panginoon, ibinigay Niya ang Kanyang Banal na Espiritu sa lahat ng nananampalataya sa Panginoong Hesus. Sa Kanya lamang natin matatamo ang katiyakan ng ating kaligtasan, at kalakasan upang mga alagad ng Diyos.  Samahan natin si Pastor Jojo Baldo sa kanyang paglalahad ng Salita ng Diyos patungkol sa Kalakasan ng mga B...

Preaching Podcast Ep. #140 - Pagmamahal Sa Bayang Biyaya Ng Diyos (Pastor Jojo Baldo)

Image
Kamakailan lamang kumalat ang isang internet meme ng isang sikat na Pinoy celebrity na nagsabing “PILIPINAS, BAKIT ANG HIRAP MONG MAHALIN?” Ito ay umani ng iba’t ibang reaksyon sa mga netizens. Ang iba ay sumang-ayon, at gumatong; ang iba naman ay nasaktan sa ganung mga panlalait sa ating bayan.  Marahil ito na ang pambansang libangan nating mga Pinoy: ang mag-debate kung ang Pilipinas nga ba ay kamahal-mahal, o kamuhi-muhi. Marami nang mga pagaaral ang nagawa, at ginagawa patungkol sa isyu ng patriyotismo ng Filipino, o ang kawalan nito.  Subalit ang hindi maipag-kakaila ay ang katotohanan na ang Filipino ay may alab ng puso sa mga isyung patungkol sa ating bayan. Kung atin lamang sisikapin na tingnan ang mga bagay na ito sa pamamagitan ng Salita ng Diyos, baka mas magiging mapayapa, at bukas ang ating pagyakap sa katotohanang ang ating bayan ay biyaya ng Diyos sa ating mga Filipino.  Samahan natin si Pastor Jojo Baldo sa pagaaral ng Salita ng Panginoon patungkol sa atin...

Preaching Podcast Ep. #139 - God of His Word (Bro. Vinay Panemanglor)

Image
Join us for Sunday service, Lighthouse Family! #LighthouseOnline

Preaching Podcast Ep. #138 - Ang Pinalaya ni Kristo (Pastor Jojo Baldo)

Image
PANAWAGAN SA MGA KALALAKIHAN: Si Lazarus ay isang lalakeng dati ay kontento nang nagmamasid lamang, nakikinig kay Kristo mula sa malayo. Palaging may distansya. Sapat na sa kanya na ang mga babaeng kapatid na sina Martha and Mary ang maalab sa pagsisilbi kay Hesus. Si Lazarus ay isang tipikal na lalakeng may pag-aalinlangan sa pagpapakita sa kanyang pagmamahal sa Diyos.  Hanggang siya ay nakaranas nang muling pagkabuhay. Hanggang sa matanggap niya ang grasya ng Panginoon na Siyang bukod-tanging nakapagbigay sa kanya ng pangalawang pagkakataon.  Nagbago hindi lamang ang kanyang pananaw sa buhay at kamatayan, ganun din ang kanyang pagyakap sa regalo ng Diyos sa kalayaang makalapit sa Panginoon. Ang kanyang buhay ay naging maging makapangyarihang patotoo sa kadakilaan ng pag-ibig ng Diyos. Mula noon, wala nang makapigil kay Lazarus na dumikit kay Kristo, at ipamalas sa marami ang kanyang binagong buhay. Ang panawagan sa mga Lazarus ng henerasyon na ito ay patuloy na umaalingawnga...