Preaching Podcast Ep. #119 - Guarding the Gospel (Pastor Jonatan Rupa)
Ang 1st Timothy ay isang personal na sulat ni Pablo para sa kanyang anak sa panalangin na si Timothy. Mararamdaman sa kanyang sulat na ang pangunahing layunin nito ay ang tamang pagturo ng Gospel sa simbahan ng Efeso at ito rin ang magsisilbing gabay ni Timothy sa kung ano ang kanyang dapat gawin upang hindi mawatak ang simbahan sa Efeso. Tulad ni Timothy, tayo rin bilang mananampalataya ng Diyos ay kailangan natin ng tamang gabay upang malaman natin na ang ating paniniwala ay naaayon sa salita ng Diyos at pinukaw ng Banal na Espirito. Sana ang pangangaral na ito ni Pastor Jun Rupa ay maging inspirasyon at gabay sa ating lahat, pagpalain kayo ng Diyos. #LighthouseOnline